NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos suntukin sa panga ng isang lalaki sa Brgy. Himanag, Lagonoy, Camarines Sur.

Kinlala ang biktima na si Allan Basilio, 60-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek na kinilalang si Romel Jerusalem, 42-anyos.

DAhil dito, sinuntok ng suspek si Basilio sa panga na agad namang naawat ng mga kapitbahay ng mga ito para dalhin sa barangay hall.

Ngunit bigla na lamang hindi nakahinga ang biktima matapos ang insidente na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.