NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang senior citizen sa Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Antonio Sial Macasar, 63-anyos, residente ng Brgy. Magallanes sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan nalang ang katawan ng biktima ng isang Jayson Urugo sa loob ng pagmamay-aring bahay nito na nakahiga sa sahig at may tama nang bala ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na bago pa ang insidente nakarinig nang putok ng baril ang isang nagngangalang Bienvidido Hernandez pero pinagsawalang bahala lang nito ang narinig.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan gayundin ang pagtunton para sa posibleng kinaroroonan ng suspek.