NAGA CITY- Sugatan ang isang senior citizen matapos na mabanggan ng isang tricycle sa Alabat, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Norma Ludovice, 70-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial  Office napag-alaman na habang lumalakad ang biktima sa kanang parte ng kalsada nang aksidente itong mabangga ng tricycle na pinagmamaneho ng menor de edad na suspek.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng sugat sa kanyang ulo at katawan ang biktima na agad rin dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Samantala, agad rin na nagsagawa ng dragnet operation ang mga otoridad para sa agad na pagkakaaresto ng tumakas na suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek matapos na mahuli sa Barangay Pambilan Norte sa naturang bayan para sa karampatang disposisyon.