NAGA CITY-Isang senador ang bumisita sa Naga City ngayong Peñafrancia Festival kasabay ng unveiling ng pinondohan na proyekto sa Plaza Quezon.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Senator Bato Dela Rosa, ipinaliwanag nito na ang pagbisita niya sa Naga City ay para makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia.

Ibinahagi rin nito na pinagsama-sama na ni Mayor Nelson Legacion ang kanyang imbitasyon sa pag-unveil ng P190-M project ng Plaza Quezon project.

Sinamantala rin umano nito ang pagkakataong bumisita dito at magpahinga at bumalik muli sa Metro Manila.