NAGA CITY- Dahil sa magandang systema pag dating sa medical services ng Estados Unidos mabilis umanong na nalalaman ang mga resulta ng mga isinasailalim sa eksaminasyon sa coronavirus disease.
Sa report ni Bombo International Correspondent Vergenia Contreras, sinabi nito na mataas ngayon ang datos ng USA dahil sa mabilis nitong na isasapubliko ang numero ng mga naapektohan sa lugar.
Ayon kay Contreras, tinamaan umano ng coronavirus disease ang bansa nang nag hahanda na ito sa paparating na flu season sa lugar.
Dagdag pa nito sa panahon na dumodoble na ang bilang ng mga apektado ng nasabing virus, nagkaubusan narin ng mga mask sa lugar kung saan madaming mga maliliit na ospital ang labis na naapektohan.
Sa ngayon mahigpit na ipinapatupad sa California at sa iba pang lugar sa bansa ang tinatawag na shelter in place kung saan mahigpit na ipinag babawal ang pag labas ng mga matatanda at kabataan upang mapigilan pa ang pag doble ng kaso ng nasabing sakit sa bansa.