NAGA CITY- Itinaas na ang signal number 1 dahil sa bagyong Quinta sa mga sumusunod na lugar:
Marinduque, Camarines Norte , Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, the northern portion of Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) kasama na ang Ticao at Burias Islands, southern portion ng Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Guinayangan, Calauag, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez)
Huling namataan ang sentro ng bagyong Quinta sa layong 610 km sa silangan ng Juban, Sorsogon.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Tinatayang magla-landfall ang bagyo sa Bicol region bukas sa araw ng Lunes.