NAGA CITY- Dae nakakalimutan ng simbahan at lokal na gobyerno ng Naga ang kanilang responsibilidad sa mga Persons Deprived of Liberty(PDL).

Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na ang kanilang pagbisita kasama ang Arsobispo ng lungsod ay nagpapakita lamang na hindi umano nakakalimutan ng simbahan at ng lokal na gobyerno ang kanilang responsibilidad sa mga PDL.

An kanilang pagbisita sa mga ito ay hindi lang upang makita at makausap ng mga bilanggo sa maikling panahon, ngunit nagdala rin umano sila ng Pamaskong Handog.

Kahit umano nasa kustodiya ang mga PDL, mahal parin sila ng lokal na gobyerno ng lungsod, at naroon din ang kanilang kahilingan na ang mga nagkasala ay nagbago na, at ang mga napagbintangan ay matapos na ang kaso nang sa ganoon ay mapalaya na.

Samantalan, alam umano ni Legacion ang mga kaso ng mga napagbintangan lang dahil ang kanyang pinaka-unang hinawakan ng kaso ay dalawang tao na inakusahan ng cattle rustling, ngunit napatotoohang inosente rin sa huli.

Alam rin umano nito na mayroon talagang ganitong mga pangyayari sa buhay na hindi maiwasan at umaabot pa sa puntong hahantong sa pagkakakulong.