Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang snow village attraction sa China ang pansamantalang isinara at kaagad na humingi ng pasensiya sa mga turista sa paggamit umano ng pekeng snow na gawa sa cotton att soapy water.
Batay sa report, ang Chengdu Snow Village sa lalawigan ng Sichuan, nagpalabas ng public apology sa pamamagitan ng kanilang social media matapos na maharap sa online na kritisismo mula sa mga turista na bumisita sa lugar matapos na kanilang mapagtanto na peke ang snow at gawa lamang sa pinaghalong cotton at soapy water.
Ayon sa operators ng naturang snow Village ang pabago-bagong lagay ng panahon ang naging dahilan upang mapilitan umano sila na gumamit ng pekeng snow.
Dagdag pa nito, hindi naging matagumpay ang resulta ng kaniang ginawang hakbang at nag-iwan pa umano ito ng masamang impression sa mga turista.
Sa ngayon, ang nasabing tourist attraction ay pansamantalang isinara habang naghahanap pa ng solusyon ang operators nito.