NAGA CITY – Hindi inaaasahan ng mga residente at mga otoridad ang pagbagsak ng makapal na nyebe o snow maging ang labis na pagbaba ng temperatura sa ilang bahagi ng New York City sa Estados Unidos na naging dahilan ng pagkamatay ng mahigit sa 50 katao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Florante Coronel, mula sa nasabing lugar, sinabi nito na hindi napaghandaan ng lahat ang pagbaba sa 8 degrees celsius ng temperatura at makapal na nyebe ng mga nagdaan na araw, kung kaya nangyari ang nasabing insidente.

Hindi naman kasi umano nila naranasan ang ganitong klase ng lamig ng panahon ng nakaraang taon, kung kaya pwede umano itong maikonsidera bilang historical.

Binigyang diin naman ni Coronel na agad namang nagresponde ang mga otoridad maging ang mga health workers ngunit hindi talaga maiwasan na ma-delay ang mga ito dahil na rin sa kapal ng nyebe at pahiripang pagbyahe.

Ito naman ang naging dahilan kung bakit umabot ng mahigit sa 50 ang namatay dahil sa hindi agad sila nabigyan ng karampatang tulong medikal dahil naman sa kalagayan nang kapaligiran na kanilang kinalalagyan.

Dagdag pa nito, hindi na rin nire-required ang mga residente na pumasok sa kanilang mga trabaho sakaling ganito na ang kalagayan ng panahon subalit, mayroon paring mga tao na kinakailangang lumabas katulad na lamang ng mga health workers na kailangang mag-report sa opisina o ospital.

Samantala, agad namang nilinisan ang mga kalsada at inalis ang mga nyebe ngunit nananatiling may mga lugar na mayroong problema sa supply ng kuryente.

Ito naman ang dahilan kun bakit nananawagan ang kanilang electirc cooperative na bawasan kahit kunti ang paggamit ng mga appliances na gumagamit ng kuryente upang maging sapat ito lalo na sa mga lugar na labis na naapektuhan ng malamig na panahon.

Sa ngayon, payo na lang nito sa lahat ng mga residente sa lugar na iwasan na lamang muna na lumabas at kung lalabas naman, mainam na magsuot ng makapal na damit at pantalon upang hindi gaanong maapektuhan ng malamig na panahon.