NAGA CITY- Umaasa ngayon ang Southern Luzon Command SOLCOM na walang manyaring encounter sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army NPA at mga tropa ng militar sa gitna ng nangyayaring operations ng mga ito sa Batangas.
Ito’y kaugnay ng kanilang operasyon at pagbabantay sa nasabing lugar sa patuloy na banta ng nag-aalburotong Bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col. Dennis Cana tagapagsalita ng Southern Luzon Command, sinabi nitong umaasa silang hindi mananamantala ang mga rebeldeng grupo lalo na ngayon na nasa gitna sila ng operasyon ng kalamidad na nangyayari.
Ayon kay Cana, mahigpit rin aniya ang kanilang security measures sa nasabing lugar lalo na at walang naiwan sa mga ito na maaring pasukin at guluhin ng mga masasamang loob.
Samantala, kampante naman aniya sila na hindi makapanguggulo ang mag ito lalo na’t patuloy pa rin ang Task Force to End Local Communist Armed Conflict o Task Force ELCAC.
Sa ngayon, ayon pa dito patuloy ang kanilang pagbabantay, pagbibigay ng tulong at relief operations sa lugar.