NAGA CITY – Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Southern Luzon ngayong umaga.
Sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig pasado alas 4:52 ng umaga kung saan sentro nito ang Jomalig, Quezon.
Mayroon itong lalim na 13 kilometro habang tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman din ang intensity IV sa Guinayangan, Quezon, Jose Panganiban, Camarines Norte habang intensity II sa San Juan City; Dolores, Quezon at Intensity I naman sa Gua-gua, Pampanga; Malabon City; San Ildefonso; Malolos Bulacan; Talisay, Batangas; Palayan Nueva Ecija; Pasig City at Baler Aurora.
Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman pa ang naturang pagyanig sa Camarines Sur at Naga City.
Samantala ayon sa Phivolcs, inaasahan naman ang mga aftershocks matapos ang pagyanig.