NAGA CITY- Nagpaalala ngayon ang Social Security System (SSS) sa mga miembro sa mga polisiya na kailangan na sundin kasabay ng General Community Quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Quinnie Joy Agsao, Reg’l Communication Officer ng SSS, sinabi nito na dahil sa naturang kautusan ng pamahalaan, kailangan rin nilang sumunod upang mapanatili pa rin ang social distancing sa loob ng opisina.
Ayon kay Agasao, magpapatuloy ang kanilang transaksyon sa opisina simula sa Lunes.
Kaugnay nito, magpapatupad umano ng number coding para sa mga SSS members at employers.
Kailangan na tingnan ang SSS Number o kaya Employee ID No.
Ang lahat na nagtatapos sa digit na 1 at 2 ang pwedeng pumunta sa araw ng Lunes, Martes naman ang may hulinhang bilang na na 3 at 4, Miyerkules ang 5 at 6, Huwebes ang 7 at 8 at Byernes naman ang 9 at 0.
Kaipuhan rin na magdala ng SSS ID o patunay ng SSS membership.
Ipapatupad rin ang one entracne and one exit door policy habang hindi naman papayagan na may pumasok na service vehicles sa compound.
Kaugnay nito, humingi naman ng dispensa si Agsao sa lahat na mga apektadong miembro dahil sa sinusunod nilang an polisiya para sa seguridad ng lahat.