NAGA CITY- Isinailalim ngayon sa state of Calamity ang isang bayan sa probinsya ng Quezon.
Ito’y matapos malubog sa baha ang ilang barangay sa bayan ng Lopez dahil sa naranasang malakas na pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Melchor Avenilla, Head ng PDRRMO- Quezon sinabi nito na idineklara ang nasabing kautusan upang mas mapadali at mas mabigyan ng tulong ang mga apektado ng pagbabaha.
Ayon kay Avenilla, kasama sa mabibigyan ng tulong ang mga na-stranded na mga byahero matapos na malubog sa baha ang Maharlika Highway sa parte ng Brgy. Canda Ibaba sa nasabing bayan.
Nabatid na sa ngayon ay nananatiling unpassable ang nasabing lugar kung saan halos nasa tatlong talampakan pa umano ang lalim ng tubig dito.
Sa ngayon pinag iisipan narin ng lokal na gobyerno ng Quezon kung isasailalim narin sa State of Calamity ang nasabing probinsya.