NAGA CITY – Pinag-aaralan pa ng pamahalaan ng Japan kung tatapusin na ang state of emergency sa bansa.
Ito’y kaugnay ng biglaang pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa naturang bansa.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Hershey Nazrishvilli, sinabi nito na una nang isinailalim sa state of emergency ang apat na lugar sa bansa noong April 25 na may pinakamataas na naitatalang kaso ng COVID-19.
Kasama na rito ang Tokyo, Yogo, Kyoto gayundin ang Osaka.
Ayon pa kay Nazrishvilli, tinitingnan na ang hindi pagiging istrikto ng mga isinasagawang measures ng bansa ang dahilan ng biglaang pagtaas ng kaso ng naturang sakit.
Ayon dito, hanggang pakiusap lamang kasi ng mga mayors at gobernors sa lugar ang ginagawa sa bansa kung kaya hundi rin matitiyak na sumusunod ang lahat sa minimun health protocols.
Dahil dito, posibleng palawigin pa ang state of emergency sa apat na lugar sa bansa sa halip na hanggang Mayo 11 na lamang sana.
Sa ngayon, kasalukuyan namang sarado ang mga establisiyemento sa bansa maliban na lamang umano sa mga nag-aalok ng mga essential goods.