Hindi muna makakabalik sa paglalaro sa loob ng hindi bababa sa dalawang linggo ang Golden State Warriors star na si Stephen Curry matapos magtamo ng injury sa kanyang oblique abdominal muscle.
Maagang natapos ang paglalaro ni Curry sa kanilang laban kontra Houston Rockets matapos makaramdam ng pananakit sa unang quarter. Agad siyang sumailalim sa MRI upang masuri ang lawak ng kanyang injury.
Dahil dito, inaasahang hindi makakasama si Curry sa susunod na pitong laro ng Warriors laban sa San Antonio Spurs, New Orleans Pelicans, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Boston Celtics, Sacramento Kings, at Portland Trail Blazers.
Advertisement










