NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaking estudyante matapos itong pagbabarilin sa San Antonio, Quezon.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na dakong 02:30 ng umaga noong Setyembre 19, 2024 nang makatanggap ng tawag sa cell phone ang himpilan mula kay Chairwoman Lorna Rocafort ng Barangay Sampaguita, sa nasabing lugar kung saan may biktima ng pamamaril na naganap sa San Antonio subdivision sa Barangay Poblacion, San Antonio, Quezon, agad na bineberipika ng mga kapulisan ang nasabing report.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kaparehong petsa nang matagpuan ang biktimang kinilalang si Jaypee Veyra Baring, 19 anyos, binata, estudyante, at residente ng Barangay Poblacion, Padre Garcia, Batangas na nakahandusay sa may kalsada ng concerned citizen at iniulat kay Chairwoman Lorna Rocafort ng Barangay Sampaguita, San Antonio, Quezon, ang kanyang nakita.
Bineberipika ng Chairwoman ang nasabing nakahandusay sa kalsada, tiningnan niya ito at nakitang may tama ng bala sa likod ang biktima.
Agad dinala ng mga tauhan ng San Antonio MDRRMO ang biktima sa Mederazo Hospital, Rosario, Batangas para sa tulong medikal. Pati na rin ang pag-verify sa pagkakakilanlan ng suspek.