NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin dahil sa selos sa Gainza, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Raymond Lagasca, 36-anyos, residente ng Zone 3, Brgy. Sampaloc sa nasabing bayan.

Ayon kay PCpt. Allein Molina, Officer-in-Charge ng Gainza Municipal Station, umuwi umano ang suspek na isang 30-anyos na lalaki, residente rin ng nasabing lugar sa kanilang bahay upang kumuha ng patalim dahil sa hinala nito na mayroong relasyon ang kanyang asawa kay Lagasca.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na inabangan ng suspek ang biktima sa isang tindahan at ng makita ng suspek si Lagasca dito na nito sinaksak sa likod ang biktima .

Advertisement

Tinangka naman umanong tumakbo ng biktima ngunit naabutan pa rin ito ng suspek.

Dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa kanyang likuran si Lagasca na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Ayon pa kay Molina, matinding selos umano ang dahilan sa nasabing krimen.

Samantala, wala naman umano sa impluwensiya ng nakakalasing na alak nang isagawa ng suspek ang krimen at ito naman ang unang naitalang Stabbing Incident sa nasabing bayan para ngayong taong 2023.

Mahaharap sa kasong Frustrated Murder ang suspek na hindi na nagpaunlak ng pahayag.

Sa ngayon, kaugnay ng pangyayari, nagpa-alala nalang ang opisyal na maging eye opener ang nasabing pangyayari lalo na sa mag-asawa na pag-usapan ang problema upang hindi humantong sa krimen.

Dagdag pa ni Molina, hindi mareresolba ang isang problema kung mas dadagdagan pa ito ng isa pang mas mabigat na problema.

Advertisement