NAGA CITY- Naitala ng Camarines Sur Police Provincial Office ang sunod-sunod na theft at robbery incident sa lalawigan ng Camarines Sur sa unang buwan pa lamang ng taong 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Liza Jane Alteza, tapagsalita ng Camarines Sur Provincial office, sinabi nito na halos lahat ng mga naitalang nakawan sa lalawigan ay unregistered ang mga suspek habang ang iba ay under investigation pa.
Maliban dito, sinabi naman ng iba pang mga chief of police sa mga lugar na nangyari umano ang mga nakawan na mayroon na silang person of interest.
Kaugnay nito, umabot na sa higit sampung kaso ng sunod-sunod na nakawan ang naitala sa buong lalawigan sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero.
Ayon sa opisyal, mas masusing imbestigasyon sa nasabing kaso ang ginagawa ng kanilang hepatura lalo pa’t unang buwan pa sana ito ngayong taon, ngunit mataas na ang naitalang insidente.
Ilan sa mga dahilan sa mga nangyayaring nakawan ay napapabayaan na bukas na mga pintuan at bintana na kung saan nagsisilbing opurtunidad sa mga kawatan na makapasok sa mga kabahayan o establishment.
Maliban dito, patuloy din ang pagbabantay ng mga tauhan ng CSSPO sa tinatawag na riding in tandem at carnap vehicles kung saan ang mga ito ay wala umanong OR/CR at walang mga plaka. Ito umano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng checkpoint ang mga kapulisan.
Sa ngayon, hinikayat na lamang ng opisyal ang publiko na magin maingat upang hindi mabiktima ng mga nabanggit na kr