NAGA CITY- Nakapagtala ng sunog sa isang biladan ng mais sa Barangay Manguiring, Calabanga, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SINSP. Violeta Barrameda, Municipal Fire Marshall, BFP-Calabanga, sinabi nito na aabot sa P27,000 ang pinsalang iniwan ng nasabing sunog.
Aniya, unang sumiklab ang apoy sa mga panggatong para sa pugon na ginagamit sa pagpapatuyo ng mga mais.
Nabatid na pagmamay-ari ito ni Vice Mayor Victor De Villa ng nasabing bayan.
Ayon ki Barrameda, hindi kasi umano napansin ng mga manggagawa ng nasabing pasilidad ang pagsiklab ng apoy na nagresulta ng sunog.
Dahil dito, kinailangan ng dalawang firetruck para magresponde sa nsabing insidente kung saan agad naman na nakontrol.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa nasabing insidente.