NAGA CITY- Aabot sa nasa P300-K ang iniwang pinsala ng nangyaring sunog sa isang residential establishment sa San Vicente, San Jose, Camarines Sur ngayong araw, Agosto 7, 2024.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO3 Ricky Rebuya kan Bureau of Fire Protection San Jose, sinabi nito na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng PNP nang makita ng mga ito ang isang nasusunog na residential establishment na kaagad naman na nireport sa kanilang opisina.

Kaagad naman na nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection San Jose.

Kaugnay nito, itinaas sa first alarm ang nasabing sunog dahil malaki na ang apoy ng madiskubre.

Kaagad naman na nagpadala ng fire truck ang Lagonoy fire station at ang Goa fire station na nagbahagi ng tulong sa kanila.

Maswerte naman na matagal nang walang nakatira sa nasabing residential establishment kung kaya wala ring napaulat na nasaktan o binawian ng buhay sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang dahil ng nasabing insidente.

Binigyan diin naman ng opisyal na wala namang naging problema sa pag-apula ng sunog dahil nabigyan naman sila ng tulong mula sa mga kalapit na fire station mula sa ibang municipalidad.

Muli namang nagpa-alala si Rebuya sa publiko na sundin parin ang mga paraan, mga tips upang maiwasan ang sunog na peligroso para sa lahat.