NAGA CITY- Hindi bababa sa P84,000 ang halaga ng pinsala na iniwan ng nangyaring sunog noong Sabado ng gabi, Mayo 21, 2022 sa isang beach resort sa Sitio Ponggol Brgy. Balogo, Pasacao, Camarines, Sur
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO1 Rolly Carique, Deputy Fire Marshal kan Pasacao Fire Station, sinabi nito na pagmamay-ari ni Alexander Gaite, isang negosyante at residente ng Baao, Camarines Sur ang naturang beach house.
Aniya, ayon sa imbestigasyon ng fire bureau, electrical ignition dahil sa overloading sa electrical appliances ang tinitingnan na dahilan ng nangyaring sunog.
Samantala sa kabilang konkreto naman, ang 2 storey na building naging mabilis din ang pagkalat dahil sa bubong nito na gawa sa mga dahon ng anahaw ngunit mabilis naman ang pagresponde rito ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pasacao.
Samantala, idineklara ring fired out ng BFP ang nasabing insidente dakong alas-8:40 ng gabi.
Wala namang naitalang casualty o binawian ng buhay sa naturang insidente.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.