Bahagyang humina ang Super Typhoon #JulianPH (KRATHON) habang binabaybay ang karagatan sa Southwest ng Taiwan.
Huli itong namataan sa layong 270km West Northwest ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas na aabot sa 185km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na aabot sa 230km/h habang kumikilos pahilangan-hilagang kanluran ng mabagal at sa kasalukyan ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
Sa kabila nito, nakakaapekto parin sa Northern Luzon ang malalakas na hangin na dala ng nasabing bagyo.
Nananatili naman na nakataas an Tropical Cyclone Wind Signals No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, mainland Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Nakataas naman ang Gale Warning sa mga baybaynin ng Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte kung kaya’t hindi pa pinapayagan pumalot ang mangingisda pati na rin ang may mga maliliit na sasakyang pandagat