NAGA CITY- Kinumpirma ni Naga City Coun. Lito Del Rosario na nagkukulang na ngayon ang supply ng bigas sa National Food Authority (NFA-Camsur).

Itoy sa dahilang halos magkakasabay na request mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Del Rosario, sinabi nito na sa kabila ng kakulangan sa supply tiniyak aniya ng ahensya na may paparating pa na mga bagong supply ng bigas.

Habang ayon kay Del Rosario, sa ngayon nagkakaroon narin ng problema ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung papano hati-hatiin sa lahat ng mga lugar sa Bicol ang natitirang bigas na hawak ng ahensya.

Samantala, aprobado na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga ang dagdag na P26 Million pondo na gagamitin bilang tolong sa mga residenteng apektado ng enchance community quarantine.