NAGA CITY- Emosyonal na nagtipo-tipon at nagsagawa ng praying vigil ang mga suppoter ni Presidential candidate at Vice-President Leni Leni Robredo sa Plaza Quince Martirez sa lungsod ng Naga kagabi.

Ito’y isinagawa ng mga suppporters ni VP Leni habang lumalabas ang partial and unofficial na resulta ng May 9 Eleksyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bong Rodriguez ang Regional Campaign Manager ni VP Leni, sinabi nito na batid na nila ang kalamangan ng kalaban ng bise presidente na si dating senator BongBong Marcos sa pinapalabas na mga resulta ng Halalan.

Aniya, idadaan na lamang nila ang paglalabas ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagdarasal upang mabigyan ng gabay ang kanilang isipan. Gayundin, kung ano man ang kahihinatnan ng Halalan, matitiyak umano nila na magiging mahinahon ang bawa’t isa sa kanila at maiwasan na makapanakit ng iba.

Kaugnay nito, isa-isang nagtirik ng kandila ang nakiisa sa prayer vigil habang taimtim na nananalangin sa magiging kalalabasan ng resulta ng Halalan ngayong araw.

Aniya, nakakagulat umano ang pagpapalabas ng resulta ng COMELEC ngunit hindi na nila ito binigyan pa ng anuman na pagdududa.

Kaugnay nito, lininaw naman ni Rodriguez na kanilang pagkukusa ang nasabing pagtitipon at kanila umanong itatak sa kanilang isipan ang naging paalala ni VP Leni sa paglabas ng kanilang saloobin at dapat igalang anuman na desisyon ng ilan sa kanilang mga kababayan.

Samantala, nagpahayag na ng kaniyang pasasalamat si Vice President Leni Robredo sa mga sumuporta dito at sinabi nito na hindi pa tapos ang laban at patuloy itong titindig at igigiit ang katotohanan.