NAGA CITY- Nadismaya ang mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo matapos na maudlot muli ang botohan ng Presidential Electoral Tribunal na nakatakda sana ngayong araw.
Kaugnay nito, hinikayat na lamang ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado ang lahat ng mga dumalo sa kanilang pagtitipon-tipon na maghintay na lamang muli sa darating na Oktubre 15.
Samantala, hindi naman naitago ng isang konsehal ng lungsod ng Naga na mabahala sa tila pag-delay umano ng proseso.
Lalo pa’t nasasabayan umano ito ng pagsilabasan ng fake news o paglalabas ng mga maling impormasyon nga mga umano’y trolls.
Pagbibigay-diin ni Perez na naihalal umano si Robredo ng tapat at patas at hindi aniya nito magagawa ang alegasyon ibinabato ng kalaban nitong si Marcos.
Una rito, nagtipon-tipon ang mga supporters ng opisyal sa Jesse M. Robredo Museum kung saan isinagawa pa ang isang banal na misa habang naghihintay sana sa desisyon na ipapalabas ng PET.