NAGA CITY- Kinumpirma mismo ng alkalde ng lungsod ng Naga na mayroon ng isang tao ang minomonitor ngayon sa lungsod ng Naga na pinaniniwalaang may sintomas ng Novel Coronavirus.
Sa naging pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kagawad ng media, kinumpirma nitong mayroon ng suspected case ng nasabing
sakit na kasalukayan nang naka-quarantine sa isang ospital sa lungsod.
Ayon kay Legacion, hindi naman isang Chinese National ang nasabing persona subalit mayroon itong history of travel sa ibang bansa.
Aniya, nakunan na itong specimen na for submission na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang masuri.
Sa ngayon, panawagan naman ni Legacion sa publiko na huwag magpanic dahil ginagawa aniya nila ang lahat ng precautionary measures upang
macontain at hindi na kumalat ang nasabing sakit sa lugar.