NAGA CITY- Arestado ang isang indibidwal na nahaharap sa patong patong na kasong rape sa Zone 1, Obrero St., Brgy. Tabuc Naga City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Yamson, 23-anyos ng Bagumbayan Pequño, Goa, Camarines Sur.

Napag-alaman na Number 4 Regional Most Wanted Person si Yamson at number 8 Provincial Most Wanted Person at 1st Municipal Most Wanted Person.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Noel D Paulite ng 5th Judicial Region Branch 30, RTC , San Jose, Camarines Sur.

Nahaharap ang suspek sa 10 counts of rape na walang nirerekumendang pyansa.

Bago ito ikulong, isinailalim muna ang nasabing suspek sa rapid test at nagnegatibo naman ito sa COVID-19.

Sa ngayon na sa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.