NAGA CITY- Nagpalabas na kahapon ng memorandum ang Provincial Government of Camarines Sur hinggil sa suspensyon ng klase sa sa lahat ng antas, pampubliko at pampribadong paaralan sa Camarines Sur bukas, araw ng Biyernes Nobyembre 15, 2024 dahil sa posibleng pagtama ng Bagyong Pepito.

Batay sa abiso ng provincial government sa pamamagitan ni Gov. Luigi Villafuerte, ang nasabing kautosan ay bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng nasabing Bagyong na pinaniniwalaang tatama sa Bicol Region.

Nakasaad dito na ang natitirang araw ay upang mapaghandaan na rin ng vulnerable families ang nasabing sama ng panahon.

Maliban pa rito, upang makapaghanda ang Department of Education na mailagay sa ligtas na lugar ang kanilang mga educational materials at iba pang mga kagamitan upang di masira ng naturang bagyo.

Kaugnay nito, ipina-identify na rin ni Gov. Villafuerte ang ligtas na evacuation center sa mga lokal na gobyerno ng nasabing lalawigan. Gayundin upang mapaghandaan ang sakaling pagpapatupad ng preemptive evacuations at mandatory evacuation.

Samanatala, kahapon rin ay nagpaalala na sa publiko si Naga City Mayor Nelson Legacion na kahit maaga pa, ay mas makakabuting nakapaghanda na. Ito ay upang di na maulit pa ang trahedya na sinapit ng lungsod sa bagyong Kristine.