NAGA CITY- Mahigpit na binabantayan ngayon ang barangay San Francisco Naga City, ang lugar kung saan nakatira si Bicol#67 na nag positibo sa coronavirus disease.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay kapitan Efren Nepomuceno sinabi nito na hindi maikakaila ang kanyang pagkabigla sa balitang isa sa kanyang nasasakupan ang nagpositibo sa nasabing sakit.
Ngunit gayon paman agad naman umano itong kumilos upang isailalim sa lockdown ang lugar batay narin sa kautusan ni Naga City Mayor Nelson Legacion.
Ayon kay Nepomuceno, mayroong mahigit sa 97 na mga residente ang apektado ng nasabing kautusan, kung saan pinagbabawalan itong lumabas at kailangan ipinag utos nalamang sa mga nakabantay sa lugar kung may kailangan itong bilhin.
Ayon dito kahit pa hindi napag handaan ang pangyayari mayroon parin naman umanong natitirang mga relief goods ang barangay na pwedeng ipamigay sa mga residente na nasa ilalim ng lockdown.
Habang inaasahan naman ang tulong mula sa lokal na gobyerno ng lungsod para sa mga resideng apektado.
Samantala, kinumpirma naman ni Kapitan Nepomuceno na matagal ng residente sa nasabing lugar ang pasyente kasama ang pamilya nito.
Sa ngayon hinahanda narin ang pagsasagawa ng swab testing sa mga posibleng nakasalamuha ng nasabing pasyente.