Photo© web

Epektibo na ngayong unang araw ng Abril ang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG), ayon sa LPG Marketers’ Association, bilang bahagi ng dalawang-tranche na implementasyon upang hindi mabigatan ang mga mamimili.

Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPG Marketers’ Association, hinati sa dalawang bahagi ang kabuuang P10 na dagdag kada kilo ng LPG.

Sinimulan ngayong Abril 1 ang unang tranche na P5 kada kilo, katumbas ng humigit-kumulang P55 na dagdag sa bawat 11-kilogram na household LPG cylinder.

Susundan ito ng panibagong P5 kada kilo na ipatutupad naman sa Abril 7, na magdadagdag muli ng halos P55 sa kada tangke.

Advertisement

Ani Ty, inaprubahan ng Department of Energy ang nasabing hakbang, kabilang ang paunti-unting pagpapatupad ng taas-presyo upang maiwasan ang biglaang epekto sa mga konsyumer.

Dagdag pa niya, umaangkat ang Pilipinas ng LPG mula sa South Korea at Japan, na may sapat na emergency reserves na umaabot hanggang 250 araw.

Sa kasalukuyan, tinatayang may natitira pang humigit-kumulang 40 araw na suplay ng LPG sa bansa.

Advertisement