NAGA CITY- Nagalak umano ang mga Taliban fighters matapos na magpakita sa publiko ang kanilang Supreme Leader na si Haibatullah Akhundzada.
Sa ulat ni Bombo Radyo Naga kay Bombo Radyo International News Correspondent Joel Tungal mula Afghanistan, sinabi nito na ang ginawang Public Appearance ng Taliban Supreme Leader ang una matapos ang limang taon.
Dagdag pa nito, ang paglabas ni Haibatullah Akhundzada ang nakapagboost sa moral ng mga Taliban fighters.
Gayunpaman, sinabi pa ni Tungal na posibleng marami ang mabago sa kasulukuyang gobyerno ng Afghanistan sa kamay ng mga Taliban lalo na sa parte ng mga kababaihan.
Samantala, layunin umano ng Supreme leader na mabigyang diin ang Islamic school ng mga kabataan.