NAGA CITY- Patay ang tatlong indibidwal matapos magsalpukan ang motorsiklo at truck sa San Fernando, Camarines Sur.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Emilio Endrano, Chief of Police ng San Fernando Municipal Police Station, sinabi nitong habang binabaybay ng driver ng motorsiklo kasama ang dalawang backrider nito ang kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Zone 4 Brgy. Del Pilar sa nasabing bayan, nang bigla itong mabundol ng isang truck na binabaybay rin ang kabilang deriksyon.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa lubak-luabk na kalsada kaya aniya iniwasan ito ng driver rason para mabangga nito ang motorsiklo.
Dahil dito, nagtamo ng sugat ang mga biktima na agad naman dinala sa ospital ng mga otoridad ngunit ideniklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, mahaharap sa kasong multiple homicide ang driver ng truck at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad para sa karampatang disposisyon.
Panawagan nalang ni Endrano sa mga driver na magpokus sa pamamaneho lalo na ngayon na tag-ulan para aniya maiwasan ang mga insidente.