Photo©web

NAGA CITY – Muling nadakip ng mga awtoridad ang tatlong Persons Under Police Custody o mga presong nakatakas mula sa custodial facility ng Libmanan Municipal Police Station.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT Liza Jane Alteza, PIO kan CSPPO, sinabi nito na nitong Lunes, Abril 21, 2025 ng makatakas ang nasabing mga indibidwal.

Ayon kay Alteza, gumamit ng bagay ang tatlo para buksan ang lock ng selda.

Hindi inaasahan ng mga pulis na nagbabantay sa custodial facility na magiging malakas ang tatlo sa tinatawag na pick lock.

Advertisement

Ito ang dahilan kaya agad nakatakas ang nasabing tatlong Persons Under Police Custody. Gayunman, agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Limbanan Municipal Police Station at inaresto ang mga nakatakas na preso.

Dalawa sa kanila ang arestado habang naglalakad sa kahabaan ng Andaya Highway habang ang isa ay inaresto sa kanilang bahay nang makauwi.

Kasunod ng insidente, tiniyak din ni Alteza na secured ang lugar at isolated cases lang ang nangyari.

May mga kaso ng pagnanakaw, carnapping at child abuse ang nasabing mga indibidwal.

Sa ngayon, hinimok ng opisyal ang publiko na agad na i-report sa kanilang tanggapan ang mga ganitong insidente upang agad na makaresponde ang mga pulis.

Advertisement