NAGA CITY- Ipinatupad na ang temporary closure sa Calaguas Island at iba pang tourist destination sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty Don Culvera, Provincial Legal Officer at tagapagsalita ng Provincial government ng CamNorte, sinabi nitong ang naturang hakbang ay bahagi ng mas pinahigpit na security measures ng mga otoridad para maiwasan ang kumakalat na coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Culvera, nagpasya na aniya ang Provincial Tourism Office na mas makabubuti kung pansamantala na munang isara ang nasabing isla at lahat na tourist destination at huwag na munang magpapapasok ng mga tao o lalo na ang mga turista sa lugar.
Maliban dito, pinag-iisipan na rin aniya ng provincial government kung ikakansela na rin ang mga nakahanay na aktibidad para sa centennial celebration ng lalawigan ng darating na Abril 15.
Samantala, pinabulaanan din ni Culvera ang kumalat na impormasyon na may nagpositibo na sa COVID-19 sa CamNorte ngunit kinumpirma nito na may mga naka self-quarantine aniya sa ngayon bilang na mula sa ibang bansa bilang bahagi ng pinapatupad an kautusan.