NAGA CITY- Inaasahan ang pag dating sa Bicol Region ng mga ipinadalang testing kits sa Coronavirus Desease ng Department of Health (DOH-Manila).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Board Member James Jaucian, sinabi nito na sa ngayon wala pa itong ideya kung ilan ang ipinadala ng
ahensya at kung saan ito idederetso.
Ayon kay Jaucian, kailangan munang mag set-up ng laboratory testing bago ito magamit. Ito ay dahil hindi umano pweding gamitin ang testing kits
kung sakaling walang maayos at tamang testing lab.
Habang mismong DOH naman umano ang makakapag sabi kung mayroon na itong napiling lugar na pasado sa kanilang standard, at kung saan
ilalagay an nasabing testing lab.
Sa ngayon nag apela naman ang lokal na gobyerno ng Camarines sur kung pweding makakapag lagay ng testing lab sa mismong bagong medical
center ng porbinsya na kinukonsiderang COVID-19 treatment facility sa boong Bicol Region.