NAGA CITY- Tinatayang umabot na sa P3.2M ang nailabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 para sa pagpapaabot
ng tulong sa mga naapektuhan ng pagaalburoto ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regional Director Arnel Garcia, sinabi
nitong kasabay nito ang muling papapadala ng ahenysa ng mahigit 100 personnel para tulong sa iba pang pangangailangan sa lugar.
Una rito noong nakaraang araw lamang ng tumulak ang Team One Bicol na binubuo ng mga ahensya ng Department of Health- DOH,
Department of Education- DEPED, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Bicol Regional Training and Teaching Hospital- BRTTH,
probinsya ng Camarines Sur, at Legazpi City para sa pag sasagawa ng camp coordination and camp mananegment at psycho social firts aid.
Tinatayang mag tatagal ito sa lugar ng anim na araw.