NAGA CITY – Sumuko na ang kinokonsidera bilang top hitman ng NPA’s Front Guerrilla Unit at team leader ng Special Partisan Unit of Guerrilla Front 53 sa 72nd Infantry Batallion sa North Cotabato.

Kinilala itong si Harold Adjiaton, 30-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Captain Joash Pramis ng 901st Infantry Brigade, sinabi nitong sumuko si Adjiaton na bitbit ang kanyang caliber 45 piston na i-tinurn over sa nasabing kampo.

Nagsagawa rin aniya ng follow up operation ang 72nd IB na nagresulta sa pagkakarecover ng matatas na kalibre ng mga armas kasama na ang assorted ammunition at iba pang mga gamit pang giyera na itinuro umano ni Adjiaton.

Ayon sa opisyal, isa si Adjiaton sa malaking kawalan ng mga grupo ng rebelde sa naturang lugar.

Samantala, patuloy naman aniya ang kanilang panawagan sa grupo upang mahikayat ang iba pang mga rebelde na magbalik loob sa gobyerno.

Bumuo na rin aniya sila ng provincial task force sa North Cotabato upang maresolba ang mga insurgency sa lugar.Top