NAGA CITY- Kinontra ngayon ng Philippine Coast Guard ang tradisyong pagtatapon ng mga pera sa ilog tuwing Fluvial Procession ng mga deboto
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ens. Bernardo Pagador Jr., Station Commander ng Philippine Coast Guard (PCG)-Camarines Sur, sinabi nitong mas mabuting obserbahan na lamang ng mga deboto ang solemnidad ng aktibidad o direktang ibigay sa simbahan ang pera imbes na itapon ito sa ilog.
Nabatid na taon-taon, may mga nagtatapon ng pera sa Naga River tuwing dadaan ang fluvial procession kung kaya nagtatalunan ang mga tao at nagsasagwan para sisirin ang pera.
Ayon kay Pagador, maliban sa pwede itong magdala ng polusyon at aksidente, nakakasira
rin aniya sa imahe ng naturang aktibidad.
Samantala, ayon pa kay Pagador, bagamat naitala ang talong beses na pagsadsad ng Pagoda, naging peaceful naman aniya ang kabuuang aktibidad.