NAGA CITY- Sugatan ang isang Traffic Enforcer matapos pagtulongang bugbogin ng apat na tindero sa Enriquez St. corner San Fernando St., Brgy. 4, Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Marvin Tatlonghari Angeles, 41-anyos, isang Traffic Enforcer at residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office(QPPO) napag-alaman na habang nagsasagawa ng operasyon kontra sa mga illegal na tindero si Angeles, nang pinag bobogbog ito ng apat na muslim.
Base sa imbestigasyon pinagtulong-tulongan umanong bugbogin ng kinilalang mga suspek na sina Abdul Gimo Paudac, 27-anyos, Jalanie Mandayan Paudac, 24-anyos, Farhan Gimo Jamil, 21-anyos, Nosip Andang Cabugatan, 24-anyos lahat residente ng Brgy. Marketview, Lucena City.
Dahil dito nag tamo ng tama sa katawan ang biktima ngunit maswerte namang agad na narespondihan ng mga kasamahan nitong Traffic Enforcer.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspek para sa karampatang disposisyon.