NAGA CITY- Paralisado na ang transpostasyon sa Naga City matapos ipatupad ni Presidente Rodrigo Duterte ang enhanced quarantine sa Luzon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga napag-alaman na marami ang mga pasaherong nag tungo pa sana sa Central Bus Terminal ng nasabing lungsod ngunit wala ng masakyan.
Ayon sa isang driver, papayagan na lamang na makabyahe ang mga bus na nasa loob mismo ng terminal.
Habang ang mga bus naman na patungo sa lungsod ang hindi na pinapayagang makapasok sa terminal.
Samantala, apektado rin ang mga negosyanteng nasa loob ng nasabing terminal kung saan nagpag desisyonan na lamang ng mga ito na nagmagsara na lamang dahil wala narin umanong bibili sa mga ito.
Una rito, aminado si Naga City Mayor Nelson Legacion na apektado ng ipinatupad na curfew ang negosyo, turismo at ekonomiya ng lungsod.