NAGA CITY- All set na ang gagawing Traslacion Procession ni Nuestra Señora de Penafrancia bukas sa lungsod ng Naga.
Kaugnay nito, nagsimula nang magsidatingan ang libo-libong mga deboto na mula pa sa iba ‘t ibang bahagi ng bansa.
Taon-taon halos milyon-milyong mga deboto ang nakikiisa sa naturang pinakamalaking religious activity sa Bicol.
Ang Traslacion Procession ay ang paglilipat ng imahe ng Patrona ng Bicol mula sa Our Lady of Penafrancia Shrine patungo sa Metropolitan Cathedral.
Magsisimula ang prusisyon pasado alas 12:00 ng hapon habang ilalabas sa simbahan ang imahe ni El Divino Rostro o ang Holy Face of Jesus pasado alas 3:00 ng hapon bago iprusisyon ang imahe ni Ina.
Samantala, nakalatag na rin ang mas mahigpit na seguridad na ipinatutupad ngayon ng halos 3,000 na mga miyembro ng law enforcement agencies at force multipliers ang magbabantay sa kabuuang selebrasyon ng Peñafrancia Festival.