NAGA CITY – Generally peacefull kung ilarawan ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang Traslacion Procession ni Nuestra Senora de Penafrancia sa lungsod ng Naga.
Ito’y sa kabila ng mga naitalang kaunting bangayan sa pagitan ng mga deboto, pagresponde sa mga nawalan ng malay at ang pagyanig na resulta ng lindol sa Quezon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Colonel Felix Servita Jr., City Director ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong malaking tulong ang halos nasa 3,000 na mga law enfocerment units at force multipliers mula sa iba’t ibang lugar na tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa naturang aktibidad.
Dagdag pa ng opisyal, umaasa siya na magiging matagumpay din ang iba pang mamalaking aktibidad lalo na ang Fluvial procession sa Setyembre 21.
Kung maaalala, tumagal ng halos anim na oras ang Traslacion Procession bago nailipat ang dalawang imahe sa Metropolitan Cathedral.