NAGA CITY- Arestado ang isang tricycle driver matapos ang isinagawang buy bust operation sa Purok Pandanggo 2, Barangay 7, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Michael Sabido, 35-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na gamit ang P500 bilang buy bust money nakabili sa suspek ang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Kaugnay nito, bukod sa nabili kay Sabido, nasamsam pa dito ang apat pang pirasong pakete ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.60 gramo na nagkakahalagang P12,240.00 at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.Top