NAGA CITY-Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin sa Zone 2, Brgy. 10, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jayfe Babao Rocafor, 35-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pasado alas-8:40 noong, Nobyembre 25 habang nagluluto ng hapunan ang biktima sa loob ng kanyang bahay ng bigla na lamang dumating at pumasok ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Dahil sa pangyayari nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Rocafor na nagin dahil sa agaran nitong kamatayan.

Samantala, tanging ang itim na t-shirt, sumbrero at short na suot ng suspek ang naiwan na posibleng pagkakakilanlan nito na kaagad naman na tumakaw matapos na isagawa ang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pag-alam sa posibleng kinarooonan at pagkakakilanlan ng suspek.