NAGA CITY – Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jonan Toong, 35-anyos, residente ng Brgy. Sto Cristo sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang minamaneho ng biktima ang tricycle nito papunta sa bahay ng ka-live in nito upang dalhan sana ito ng pagkain ng bigla na lamang itong pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakuha sa crime scene ang apat ng piraso ng fired cartridge case at isang slug ng hindi pa malaman na kalibre ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagwang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente maging ang pag-alam sa motibo at pagkakakilanlan sa nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.