NAGA CITY – Patay ang isang truck driver habang sugatan naman ang limang iba pa matapos na mawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan sa Malangcao Basud, Labo, Camarines Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Allan Azur, PCAD PNCO at Public Information Officer ng Labo Municipal Police Station, sinabi nito na habang binabaybay ng truck na minamaneho ni alyas Ricardo ang kahabaan ng nasabing kalsada upang magdeliver sana ng sibuyas sa lugar ng subukan nitong mag-overtake sa isang van sa pakurbadang bahagi ng kalsada ngunit nawalan ito ng kontrol dahilan upang tumagilid ang nasabing truck sa gilid ng daan.

Dahil sa pangyayari, nagtamo ng malalang tama ang driver at mga sakay nitong pahenante na agad namang dinala sa pagmutan para sa asistensya medikal ngunit ideklara ring dead-on-arrival ng doktor si Alyas Ricardo.

Ayon pa kay Azur, wala naman sa impluwensya ng alak ang nasabing drayber dahil mula Nueve Ecija magbabyahe lamang naman sana ang mga ito ng sibuyas sa public market ng nasabing bayan.

Advertisement

Dagdag pa ng opisyal, talagang accident prone area ang nasabing lugar dahil na rin sa pagkakaroon nito ng mga sharp curve na daanan o kalsada.

Samantala, dinala naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang iba pang sakay ng nasabing truck para sa dagdag na asistensya medikal.

Sa ngayon, paalala na lamang ni Azur sa lahat na maging maingat lalo na kung nasa gitna ng kalsada upang maiwasan ang mga ganitong klase ng insidente lalong-lao na ngayon na marami ang mga bumabyahe palabas at papasok sa lalawigan.

Advertisement