Nakatakdang magpasya si US President Donald Trump hinggil sa panukalang pagpapalawig ng ceasefire agreement sa Iran kasabay ng patuloy na hindi pagkakasundo ng dalawang bansa sa ilang mahahalagang usapin kabilang ang Strait of Hormuz at nuclear weapons program ng Tehran.

Ayon kay Trump, magsasagawa siya ng “final determination” sa panukalang 60-day extension ng truce upang mabigyan pa ng panahon ang negosasyon para sa permanenteng kasunduan.

Gayunman, iginiit ng US President na kailangang agad buksan ng Iran ang Strait of Hormuz para sa malayang pagdaan ng mga barko at tiyaking hindi ito magkakaroon ng nuclear weapon.

Tumugon naman ang Iran na ang pamamahala sa Strait of Hormuz ay dapat pagdesisyunan ng Tehran at Oman habang itinanggi rin ng ilang Iranian officials na kabilang sa usapan ang isyu ng nuclear weapons.

Advertisement

Sa kabila nito, sinabi ng ilang source na malapit nang magkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig bagamat wala pang pinal na pag-apruba.

Dahil sa balita ng posibleng kasunduan, bumaba ang presyo ng langis habang tumaas naman ang galaw ng ilang stock markets sa pandaigdigang merkado.

Advertisement