Nagsagawa ng pagpupulong si US President Donald Trump kasama ang mga lider ng Quad alliance sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit.
Kabilang sa mga dumalo sina Japanese Prime Minister Sanae Takaichi, Australian Prime Minister Anthony Albanese at Indian Prime Minister Narendra Modi, na kumakatawan sa apat na bansang bumubuo sa naturang alyansa.
Huling nagkaroon ng pagpupulong ang Quad noong 2024 sa Delaware sa ilalim ng administrasyon ni dating US President Joe Biden.
Nagsimula ang grupo noong 2004 kasunod ng Indian Ocean tsunami at muling binuhay noong 2017. Nakatuon ito sa pagpapalakas ng kooperasyon at seguridad sa Indo-Pacific region.
Pinuri naman ni Trump ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi at tiniyak na nananatiling bukas ang kaniyang komunikasyon sa mga lider ng iba’t ibang bansa.














