Magdedeklara ng national emergency sa southern border ang ika-47 pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump.
Ito ang pahayag ni Trump, matapos itong pormal na manumpa bilang isang bagong presidente ng Amerika nitong Lunes, oras sa US.
Layunin nito na bawasan ang bilang ng mga ilegal na migrante na pumapasok sa bansa.
Sigun ki Trump, lahat ng ilegal na pagpasok sa Amerika ay agad na ititigil, at sisimulan ang proseso ng pagbabalik ng milyun-milyong kriminal na dayuhan pabalik sa mga lugar kung saan sila nanggaling.
Maliban pa dito, magpapadala rin ang US President ng mga tropa sa southern border para itaboy ang mapaminsalang pagsalakay sa US.
Maalala, una nang nagpahayag ang bagong Presidente ng large-scale deportation operation ng mga undocumented migrants sa Estados Unidos. Kung saan, umani ito ng mga pagbatikos.