NAGA CITY- Pinaplano umano ngayon ni US President Donald Trump na ilampaso sa nalalapit na debate si Former Vice President Joe Biden.
Sa report ni Bombo International Corrspondent Virgie Contreras, sinabi nito na todo narin ang pag pagpaplano ngayon ng kampo ni Biden ng mga posibleng estratehiya laban kay Trump.
Ayon kay Contreras, pag-dating sa pag didebate ay pilosopo umano si Trump kung kaya nakukuha nito ang sentimiento ng ilang mga botante.
Nabatid na umaasa umano ang mga mga residente dito na magiging maganda ang kalalabasan kung sakaling matalo ni Biden si Trump lalo na pag-dating sa pag-aksyon nito sa COVID-19 crisis pati narin sa pagiging stable ng ekonomiya sa estados Unidos.
Samantala sa pamamagitan naman ng Permitted Fund Raising for Electoral College halos nasa kalahating bilyon umano ang naipon ni Biden ng maging kaanib nito si Kamala Haris.
Habang halos nasa 1.3 billion naman umano ang naipon ni US President Donald Trump ngunit agad naman itong naubos.
Sa ngayon mayroon na lamang umanong natitirang 42 araw ng pangangampanya bago ang nasabing election.